Pamamaalam
29 10 2009“I wanna end this friendship.”
“cause I wanna start loving you as my girl.”
Isang paraan ng pamamaalam na hindi masakit sa puso nino man. Pamamaalam sa mas mababang lebel ng pagmamahal. Kaysarap ulit-ulitin na mapakinggan na animo’y isang magandang awitin.
Nitong mga nagdaang araw, sa pulitika, showbiz o ordinaryong buhay, ay nakasaksi ako ng iba’t-ibang klase ng pamamaalam.
Unahin na natin ang pamamaalam ng Ruffa and Ai. Oo, hindi ako fan ni ai-ai (kahit natutuwa ako sa mga pelikula nya at hindi talaga maitatatwang xa nga ang Comedy Box Office Queen at Comedy Concert Queen) at lalong hindi din ako fan ni ruffa (kahit finofollow ko xa sa twitter). Pero naging malapit na rin sa aking puso ang programang ito kahit pa sabihing may kabaduyan at talagang nakapagpalungkot saken nung ipalit sila sa super love kong Boy and Kris.
Kasabay ng pamamaalam nito sa ere ay ang longtime running noontime show na Pilipinas, Game KNB? Hindi ko akalaing aalisin nga ito ng ABS-CBN sa kanilang line up dahil nagrarate naman ito at very educational pa, (unlike SIS na walang kakwenta-kwenta/koreanovela) kahit matagal nang naging topic ng bulong-bulungan na si Edu nga ay nagbabalak na kumandidato bilang mambabatas sa darating na halalan.
Ano kaya ang nagtulak sa management ng Kapamilya Station para alisin ang dalawang programang ito sa kanilang Big Time Trio? Ito ba’y isang paghahanda (at the same time ay pagsasakripisyo) para sa ilalaunch nilang Pilipinas Got Talent(kung saan isa si Ms. kris Aquino-Yap sa magiging hurado)?
kung ano man ang dahilan sa pangyayaring ito ay hindi ko lubos na mabatid. At lalong wala akong kapangyarihan at wala ako sa posisyon para kwestyunin ang kanilang desisyon na ito.
Malungkot para sa ilan pero alam kong meron naman ding mga nasiyahan sa pagbibigay ng bagong programang ito.
Sabi nga ni Ruffa, kung may pintuan mang nagsara, may dumating namang bagong oppurtunidad sa kanya.
Sa kabilang dako naman ng Pilipinas este ng Edsa lang pala ay nagpaalam na rin ang programang naKKaaliw na naKKainis, ang ALL Star K. Last episode nga ay yaong kay Pia Guanio na nanalo ng computer showcase na ibinigay niya sa Dad nya.
At sa kabilang ibayo ng QC ay may nagpaalam na isang pulitiko sa kanyang pagkabinata at isang “batikang” brodkaster ang ngayoy nagpaalam sa pagiging (matandang) dalaga. Tama ka jan sa iniisip mo. Sino pa nga ba ang aking tinutukoy kung hindi ang kasalang Korimar (mar-ina) na naganap bago ang isa pang malaking pamamaalam sa larangan naman ng pulitika.
Isang pamamaalam na katulad nang nasa aking halimbawa. Hindi nakakasakit ng damdamin bagkus ay nagpapataba dito. hindi ko man alam ang kanilang totoong motibo sa kanilang pagpapakasal sa panahong nalalapit na ang eleksyon at panahon ng kampanya, ipagdarasal ko na lang din ang kanilang pagsasama na sana nga’y mauwi sa maganda.
At sa usapang halalan, habang papalapit nang papalapit nga ito’y, maraming pagbabago ang nagaganap sa ating lipunan. Hindi lang ang mundo ng pulitika ang nakakaramdam nito ngunit maging ang mga tagashow business industry, telebisyon, radyo at maging pahayagan. At higit sa lahat, ay tayong mga TAONG-BAYAN.
Ano nga ba ang patutunguhan ng ating bayan na nalulugmok sa ganitong kalagayan? Patuloy na lang ba nating hahayaang magpaalam sa atin ang TAGUMPAY na minsan na nating nakamatan.
Minsan naiisip ko, mas mabuti pang nakakaranas tayo ng hagupit mula kay Inang Kalikasan kesa naman sa mga ugaling hayop na nanunungkulan sa pamahalaan.
Binulaga tayo ng pamamaalam ni Chiz Escudero sa kanyang partido – ang National People’s Coalition na lehitimong pinamumunuan ng business tycoon na si Eduardo “DANDING” Cojuangco.
Sa ilang oras makaraan ang kanyang pag-aanunsyo ay marami na kaagad ang nasulat tungkol sa biglaang pagtiwalag niya sa grupong kinabibilangan. Nagbandera sa pahayagan ngayon ang mga salitang “ESCUDERO BOLTS NPC” at ESCUDERO QUITS NPC.” At kahapon nga lamang, naging maugong na ang usaping iyon na inakala ng marami na ang gagawing anunsyo ay ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2010.
Marami ang naguluhan. May mga akdang nagsasabing, pera o kakulangan sa pondo ng partido ang naging dahilan na mariin namang itinanggi kaagad ng kanyang kampo.
Ang pananaw din ng ilan ay upang maibalik daw ni Escudero ang kanyang pangalan sa unahan ng listahan sa mga ginagawang surveys.
Ang kanyang pansariling dahilan naman ay upang makakilos ng malaya at walang nagdidikta.
Sa kanyang mga binitiwang salita, totoong marami talaga ang nagulat. Parang roller coaster na nga ang bugso ng balita dito sa ating bansa. Dinaig pa ang bagyong Pepeng sa pababago-bago nitong routa.
Ngunit sana, sa kabila ng lahat ng ito’y maging buo pa rin ang ating loob sa pagharap sa bawat bagong umagang darating.
Huwag sanang magkaroon ng hangganan ang ating tibay ng loob at pag-asa para sa ating muling pagbangon.
Simulan mo ito sa pagpaparehistro. Bomoto ng tama at bantayan ang boto!
Happy Hunting!
ingat sa mga uuwi ng probinsya at pupunta ng sementeryo.
Categories : Funny but dirty Politics

























































SHOES/SANDALS:
STYLE – wedge
STYLE – hoodie
3. WATCH
4 BAG






They said: