Mga Pusong Bilanggo
11 07 2009Nagising na lamang ako sa ingay ng mga batang masayang nagtatakbuhan sa may labasan. Sapagkat luma na at gawa lamang sa kahoy ang aming munting dampa, animo’y nasa aking tabi lamang ang mga batang iyon. Ramdam ko ang kanilang kasiglahan sa kabila ng tindi ng sikat ng araw. Minsan din akong naging bata kaya’t alam ko kung anong pakiramdam ng nasa gayong edad. Lahat ng naisin ay maaaring gawin. Katulad ng isang malayang ibon na hawig ng isang saranggola sa himpapawid. Saan ka man magpunta ay may pising patuloy na gagabay sa’yo. Ngunit ang lahat din ay may hangganan. Sa minsang paglakas ng hangin ay bigla ka na lamang babagsak nang hindi mo namamalayan. Sinkwenta’y tres na ako ngayon pero hindi pa rin nabubura sa aking memorya ang masayang alaala ng nakalipas, ang pait ng pagkalugmok at tamis sa pagkakamit ng tagumpay.
“Itay, Itay…” ang malakas na tawag sa akin ng aking kaisa-isang anak na si Jun-Jun. Siya na lamang ang natitirang alaalang iniwan sa akin ng sumakabilang-BAHAY kong kabiyak na si Mameng. Wala pang isang taong gulang noon si Jun-Jun nang pinili kaming iwan ni Mameng upang sumama sa bago niyang kasintahan. Matagal na rin ang nakalipas, maglilimang taon na rin si Jun-Jun ngayon at nagbabalak nang mag-aral sa darating na bukasan ng paaralan.
“Itay,” ang muling tawag sa akin ni Jun-Jun. “May maganda pong babaeng may magarang kotse na naghahanap sa inyo dito sa may labasan,” patuloy ni Jun-Jun na hindi man lang natitinag sa pagpapalipad ng kanyang munting saranggola.
Bago tuluyang nakabangon sa papag na hinihigaan kung saan aking pinapalipas ang buong maghapon, ay akin nang nasilayan ang isang magandang dilag na akmang papasok sa aming tarangkahan. Kahit malabo na ang aking mata dala ng katandaan at sakit na katarata, namukhaan ko kaagad ang babaeng iyon-walang iba kundi si Mameng. Taglay pa rin niya ang kaakit-akit niyang kagandahan kahit medyo mahahalata mo na rin ang kanyang katandaan. Wala pa ring nagbabago sa kanyang itsura. Mapungay na mata, makinis na balat at makurbada niyang katawan. Parang walang nabura ang limang taon. Maging ang aking nararamdaman sa kanya ay hindi man lang din nabawasan. Sa loob ng limang taon na siya’y hindi ko kapiling ay hindi man lang lumaya ang aking damdamin. Limang taong bilanggo ang aking puso sa pag-ibig ko kay Mameng.
“Magandang araw sa iyo, Tolome,” ang bati sa akin ni Mameng na nakapuknat sa aking pagbabalik-tanaw. Nais kong ibuka ang aking bibig upang tumugon sa kanyang pagbati ngunit hindi ko mawari ang kung anong masamang hangin ang pumasok sa aking lalamunan at ni isang salita ay wala akong mabigkas.
“Tolome, alam kong ikaw ay nabigla sa hindi inaasahang pagtungo ko dito. Hindi ako naparito upang ika’y muling saktan kundi narito upang makipag-ayos. Alam kong masama pa rin ang loob mo sa akin at nanatiling may poot diyan sa puso mo. Hindi ko ginustong mahulog sa iba noon. Ang nais ko lamang ngayon ay wakasan na ang sigalot na namamagitan sa ating dalawa. Hindi man naging maganda ang ating pagsasama, alam kong naging magkaibigan naman tayo noon at may malalim na pinagsamahan.” Ang mahabang litanya ni Mameng.
“Ako’y lubos na naguguluhan sa iyong winika. Hindi ko alam ang iyong dahilan upang bigla-bigla na lamang ay makikipagkasundo sa akin. Kung ang iyong inaalala ay ang galit ko sa iyo noon, matagal na iyon. Pilit ko nang kinalimutan ang ating nakaraan, Mameng. Maayos na kami ngayon. Huwag mo na kaming alalahanin. At sa nakikita ko naman sa’yo ngayon, kung hindi ako nagkakamali ay maayos na rin ang iyong kinalalagyan ngayon,” ang may bahid kasinungalingang sagot ko sa kanya.
“Oo, tama ka, naging matagumpay ako sa buhay kapiling si George. At ngayon ay niyayaya na niya akong magpakasal at sa Amerika na daw kami maninirahan. Ngunit bakit ganoon Tolome. Pakiramdam ko’y marami pa ring kulang sa buhay ko. Sa limang taon na pagsasama namin ni George, ni minsan ay hindi ko naramdaman ang ligayang ipinadama mo sa akin noong tayo’y nagsasama pa. Hindi ko maintindihan ang sarili ko Tolome.”
Sa kanyang inasal ay lalo lamang akong naguluhan. Ano ba talaga ang pakay ni Mameng sa pagdalaw niyang ito sa amin? Bakit hindi ko pa rin magawang sumaya sa kabila ng isipin na ito na ang pagkakataon upang kami’y magkaayos.
“Tolome, hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Gusto ko sanang makapiling ang ating anak na si Jun-Jun. Napag-isip-isip ko na siya ang tanging bubuong muli sa aking pagkatao. Napag-usapan na namin ni George ang tungkol sa bagay na iyan. Ipinagtapat ko ang lahat sa kanya na ako’y may anak sa iyo at hindi naman siya nagdalawang isip na ampunin ang bata dahil hindi na niya ako kayang mabigyan pa ng anak.”
Nagimbal ako sa mga huling salitang kanyang nasambit. Bakit pagkatapos ng lahat ay ganito pa ang igaganti niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang kukuhanin niya sa akin si Jun-Jun. Lalong hindi ko makakayanan pa ang mawalan ng anak.
“Patawarin mo sana ako Tolome,” pagsusumamo ni Mameng habang nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.
“Alam kong pinalaki mo ng maayos ang ating anak. Pero sa aking nakikita, hindi mo kayang mabigyan ng mas magandang kinabukasan si Jun-Jun. Sa Amerika mas marami ang kanyang makakasalamuha at hindi lang pagpapalipad ng saranggola ang larong maari niyang matutunan,” pagtatapos ni Mameng.
“Hindi ako sasama sa’yo kahit ikaw pa ang Nanay ko. Hindi kita kilala at wala akong pakialam kung mayaman kayo,” humihikbing singit naman ni Jun-Jun. Lingid sa aming kaalaman ay kanina pa pala nakikinig sa aming usapan si Jun-Jun.
“Hindi ko pinangarap na makatuntong ng Amerika. Kuntento na ako sa piling ni Itay dito sa bukid. Malaya kaming nakakagalaw ng walang nanghuhusga sa amin kahit gaano man kami kahirap. Hindi ko ipagpapalit ang paglalaro ko ng saranggola kasama ng mga tunay kong kaibigan dahil dito kami magsisimulang bumangon at bumuo ng mga pangarap.”
Pagkatapos na sabihin iyon ay patakbong yumakap sa akin si Jun-Jun. Ramdam na ramdam ko ang higpit ng kanyang pagkakayakap sa akin na nais magpahiwatig na huwag ko siyang ibigay kay Mameng. At sa mga sandaling iyon, nabuo kaagad sa aking isipan ang isang desisyon, hinding hindi ko siya ipapaubaya kay Mameng.
Hindi na rin nakayanan ni Mameng ang tagpong iyon kaya’t kaagad na rin siyang lumisan sa aming bakuran. Batid kong mabigat dalahin sa kanyang puso ang pangyayaring iyon sa kanyang buhay. Sa kanyang muling pag-alis, kapwa kami bilanggo ng aming nakaraan na kailanma’y hindi na muling mabibigyang laya pa.
Tanging si Jun-Jun na lamang ang magpapatuloy sa pagpapalipad, hindi lamang ng kanyang mumunting saranggola kung hindi maging ang kanyang adhikain sa buhay sa kabila ng kawalan ng isang taong lubos na makapagbibigay sa kanya ng gabay-si Mameng. Ngunit ako, bilang kanyang pisi na gagabay sa kanya sa pagkamit niya ng kanyang tagumpay ay patuloy na aagapay hanggang aking kamatayan sa kabila ng malalakas na hanging magiging sagabal sa kanyang pag-abot sa kaitas-taasan.







hi. na add ko na. syensya na ngayon lang na add medyo masama pakiramdam e. vlog naman ha. hehehe
naku, masyado na pong magastos un..ahehe..try ko po gumawa ng short story for chidren..
nakakatouched naman! pang mmk
hehe..ganun ba..thnx!
HMMM… touching…
kawaii… sobrang eto yung concept na naisip ko nung una, pero hindi ganitong kwento.
yung aral lang na, ang magulang at anak ay maihahalintulad sa pagpapalipad ng saranggola.
waaaahhhh…
nagets ko ba ang gusto mong sabihin?
ang lalim ha.
san naman hinugot to aber?
haha..hindi ko nga alam e..naghalo halo na lng yan habang sinusulat ko na..
lam mo naman ako,,may pagkasadistic..kaya gusto ko palageng brutal..kaya nga hindi pa rin ako makagawa ng entry dun sa pambata e..hehe
pd rin mag pigback? hehehe este pingback…
nakow wag mong kalimutan na pambata ang isusulat mo ha.. maya ma bantay bata ka. hehhee
aun na nga e,lakas panghawa nyo ni ate bevs e..mahina pa man din immunity ko sa mga ganyan
huwow, mamaya na po ako mag co comment at paalis na po ako. nakow, male late na ako punta sa opis.
hehe..cge2..ingatz..san ka nga pala ngwowork? pnggbi ka ata
[...] “Kaito, tapos na. Tera, pumunta tayo sa labas at paliparin natin itong mga ‘to. Eto ang sa iyo. Mas mahaba ang pisi na gagamitin mo. Eto ang sa akin, maikli lang.” [...]
my pigback..pingback rather..harhar
syempre naman!
hehe
kung ganon, ibigay natin ang lahat ng ating imbisibol na pisi para makalipad ang mga bata!
korak!
pwedeng pang indie film.
nai-imagine ko na ang batang pwedeng gumanap eh yung bida sa commercial ng lucky me na umiiyak habang sinasabi ang linyang “practice ako ng practice”
haha..ayos..gusto ko yan..tara gawin natin,sponsor moko..hehe
cge pde ako mag PA hehehe
hehe..ayos..kaw na rin ang bahala sa technical, lightman ka din..ahehe..
sali ako.. ako producer.. harhar..
wow,yaman talaga..hehe
[...] of my life, education, love, pamilya, Saranggola Blog Awards, senti mode, Special Edition, travel Mga Pusong Bilanggo Possibly related posts: (automatically generated)Ang [...]
[...] Mga Pusong Bilanggo July 11, 2009 at 8:50 am | In Aral lang, NOW na!, Personal | 22 Comments Tags: babae, color of my life, education, love, pamilya, Saranggola Blog Awards, senti mode, Special Edition, travel Mga Pusong Bilanggo [...]
ba syempre
wow
hehe, di ko na nga po masyado nauupdate itong blog ko e
pakawalan na ang mga pusong ibinilanggo ng pait…
hayaan itong kumawala para makita na ang hinahanap na kaparehas…
wala nga e..sayang…
very touching..
nakakarelate ako sa kanya..
kainis..
hahaha..
[...] 13. Joyce Agojo [...]